Tuesday, August 29, 2017

Paano Mabayaran Lahat ng Utang (in Three Simple Steps)


“Ang mga mayayaman ay namumuno sa mga mahihirap, at ang nangutang ay alipin ng nagpautang.”
– Proverbs 22:7



Natatakot ka bang tignan ang iyong mga napakalaking credit card bills?
Nagtatago ka ba mula sa mga kaibigan at kamag-anak mo dahil may utang ka pa sa kanila?
Hindi ba sapat ang kinikita mo para mabayaran ang iyong mga expenses at mga inutangan?
Kung pangarap mong mabayaran lahat ng utang mo, mayroon ako ditong SIMPLENG 3-STEP PLAN mula kay George S. Clason, ang may-akda ng finance Classic na The Richest Man in Babylon

3-Step Plan para Mabayaran Lahat ng Utang:


STEP 1: Ilista mo LAHAT ng inutangan mo at kung magkano ang hiniram mo sa bawat isa. Kausapin mo silang lahat at sabihin mo sa kanila na babayaran mo sila ng paunti-unti kada buwan.
STEP 2: Kada suweldo, kumuha ka ng 10% para sa pag-invest at 20% para pambayad ng utang. Ang natitira sa suweldo mo pwede mong gamitin sa kahit anong kailangan mo. Gawin mo ito araw-araw at matututunan mo ring mabuhay sa 70% na iyon.
STEP 3: Huwag nang manghiram pa ng pera at lalo ka lang mababaon sa utang.

Ulit-ulitin mo ang tatlong iyon hanggang mabayaran mo na ang lahat ng iyong inutangan!


Madaling mabuhay sa mas-kaunti

Kung sa tingin mo hindi ka mabubuhay sa mas-mababang kita (ang natitira mong 70%), alalahanin mo na maraming iba ang nag-aalaga sa kanilang mga pamilya, nag-aaksaya, at mayroon din ng lahat ng mayroon ka KAHIT MAS-MABABA KITA ANG NILA. Gaya ng income tax kapag nagbudget ka para sa pag-invest at pagbayad ng utang BAGO KA GUMASTOS sa bills at groceries, matututunan mong hindi mag-aksaya ng pera.
Ang pagbabayad sa utang ay para lang pagputol ng puno gamit ang isang palakol o pagbubunot ng damo sa palayan. Kapag ilang beses mong tinaga ang puno o bumunot ka ng ilang damo sa palayan araw-araw, magtatagumpay ka rin sa kailangan mong gawin. Matutumba ang puno, malilinis ang palayan… at mababayaran mo ang lahat ng utang mo!
TandaanHuwag nang mangutang pa at kunin mo ang 10% ng iyong kinita para sa investing at 20% para pambayad ng mga utang. Kapag dinisiplina mo ang sarili mo hanggang masanay ka rito, makakalaya ka rin sa lahat ng hiniraman mo.
Isipin mo na lang ang araw na hindi ka na nag-aalala sa mga utang dahil bayad ka na. Hindi ba mabuti iyon?
Masyado bang simple? Kailangan mo lang ng kaunting disiplina at magagawa mo ito! I-Bookmark mo itong isinulat ko at subukan mo lang ng ilang buwan, tapos sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari gamit ang mga comments sa ibaba!
Siya nga pala, kapag sa tingin mo makakatulong ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya, edi iShare mo ang Article na ito!


No comments:

Post a Comment